Wednesday, May 28, 2008

maganda sa RTPI kasi...

“Nyahahaha wala kasi kayong religion na subject kaya di mo alam” sabi sa akin ng misis ko habang pinagtatawanan ako sa aking kamangmangan tungkol sa mga santo.

“Eh kahit naman may religion kayong subject, mga asal ewan ang mga istudyante sa inyo nyuk-nyuk-nyuk” bawi ko habang umiilag sa mga pinggan at kutsarang binabato nya.

“Tsaka may laya naman kaming pumili ng mga subjects na gusto naming pag-aralan” pahabol ko pagkatapos alisin ang tinidor na tumusok sa aking tenga.

Totoo naman, isa sa mga nagustuhan ko sa RTPI ay ang mga practical arts at elective classes na ikaw mismo ang pipili. Hindi ko alam kung ilang high school sa buong lalawigan ng Rizal ang nagbibigay ng ganitong kalayaan sa kanilang mag-aaral.

Mahilig ako sa mga drawing-drawing kaya natural na para sa akin ang piliin ang drafting class bilang aking practical arts. Dun ako natuto ng mga perspective drawings, magkulay gamit ang poster at water color, gumamit ng ruler na may angle, at dun ko din nalaman na mas maganda ang Staedtler tech pen kesa sa Rotring.

Syempre, pagandahan kami ng pagkukulay sa mga perspective drawings namin. Kapag maganda ang plate mo, masasabit pa ito sa pader. Natural, laging nandun ang kay Reta. Nakaswerte na din naman akong makita ang ginawa kong plate dun. Kung water color na nasa tube ang karaniwan naming gamit, kakaiba naman si Roehl. Water color na tablet ang ginagamit nya, mas madali daw kasi sa kanyang pagpantayin ang kulay. To each his own. Ang drafting class na ito ay naging architectural drafting nung port yir, under sa instructor naming kamukha ni Benjie Paras. Nakagawa pa kami ng blue print ng design ng bahay. Kaso, binigay ko kay Glenda Calixto yun blue print ko. Glenda, naitago mo pa ba?

Ang galing kasi, fourth year high, nakagawa na kami ng simpleng design. Pero nung nakita ko ang mga ginawang transistor radio ng mga Baras boys na kumuha ng Electronics, parang nainggit ako. Kami papel-papel lang, sa kanila, tumutunog. Ako’y hanga aba.

Ang pinagtataka ko, bakit wala atang kumuha sa amin ng Woodworking class? Mga goons daw kasi ang nasa woodworking, e mga lelembot-lembot ata karamihan sa amin. Nyeeeeeeeeee…

Pagdating sa mga elective subjects, magkakaiba din kaming magkaklase. Ang mga may utak, kumukuha ng Advance Mathematics, Statistics, Steno. Magagamit daw kasi iyon sa college. Duh! Sabi nga, I’ll “burn the bridge when I get there” hehe… Di kasi ako numerically-inclined, kaya dun ako sa walang numbers (ironically, nag-engineering ako nung college tas nag shift sa accounting. Go figure).

May kinuha akong elective class nun, yun tungkol sa current events (uhmmmm, ano nga ba yun?) Sabi kasi ni Edge, maganda daw kuhanin yun kasi magka-klase lang daw kapag may mga mahahalagang pangyayaring nagaganap. Huwaw! Sounds like my kind o’thing. And if it sounds too good to be true, malamang ay ganun na nga. Dahil nagkaklase pa rin naman, natural, kahit walang mga historical events na nagaganap. Okay lang, masaya naman. Kamukha pa ni Joey Ayala ang teacher namin.

Syempre, peborit ko ang Dev. Comm. Si Sir Sumikat Santiago ata ang coolest teacher sa RTPI. Parang colleague lang kung ituring kami, maliban na lang kapag nagagalit kasi namumula ang buong mukha pati ang mga mata. Lyn, peace tayo ha, wag mo ko sumbong hehe… Dahil din sa Dev Com, nakamit ko ang aking 15 minute of fame, which according to Andy Warhol, all of us will have in our lifetime. Shiet, nagamit ko na pala ang akin.




“Hoy, lumabas ka dyan! Di pa tayo tapos” sigaw sa akin ng misis ko habang pinipilit nyang buksan ang cabinet na aking pinagtataguan.

Sana pala, may self defense na subject kami sa RTPI.

4 comments:

Anonymous said...

yun din gusto ke RTPI, me elective (i took up theater arts & devcom)...pero di ba yong Trigo elective lang sa tin (pero sa ibang schools e part talaga ng curriculum)..kaya nun college when i took up eng'g taka un mga classmates ko kc 'la ako bckground ng Trigo...pero pumasa naman...:-)

taga rtpi said...

nag eng'g ka din? haha hanlabo... dapat pala mga math ang elective natin if mag e-eng'g din naman :P

Anonymous said...

nakarelate ako dun...wow!!!!!!! baket ngayun ko lang nakita to. kilala ko c benjie paras. cnong makakalimot ky mr. panganiban? eh hanggang ngayon tinatanung ko pa rin ang sarili ko baket Panganiban ang apelyido nya????? eh kabait na teacher nun..

Anonymous said...

hahaha! ako din nasunog ang kilay ko sa trigo sa Mapua.....sa awa ni Lord naka3 ako....hahaha! proud na ako dun hirap yata kumuha ng 3 sa Mapua!!!!!hahaha!