Showing posts with label gladys. Show all posts
Showing posts with label gladys. Show all posts

Wednesday, June 4, 2008

may 31 GTG. morong rizal

*sinulat ni reta para sa narra yahoogroup, re-posted here without permission hehe

first off, let me just say "NAKNANGPOTA! !!"

i said that not because im angry but because i promised to say that in my first email after the GTG. no big deal so dont make a fuss out of it.

here's a long summary (conflicting words:) for your reference:

the GTG was not so grand if we talk about attendance, there were about 10 (myself, gemma, jude, lota, lisette, gladys, don, jayson, joan, jean) of us who went to paseo rizal, at various times if i may add. jude and I were the earliest to checkin at 4PM. i guess we were just excited since this is supposed to be the grandest of the grand. oh, we did see malen and jeje at kamalig later in the evening. so that makes it 12 (20%).

but just because the numbers didnt work for us, doesnt mean we didnt have a good time. i think everyone left paseo happy and satisfied.

here are some observations on the "newbies":

on gemma
- madaldal pala si gemma which prompted me to say i like her personality. didnt know that during highschool since we didnt talk to each other too much. i guess i was intimidated by her mestiza beauty back then so i wasnt able to muster a decent conversation. she gained some weight but she still looks fine. actually, the weight isnt bothersome at all. nadadaan na nya sa smart dressing.

on lisette
- still sexy.i guess her frame and height helps a lot. she's sporting a short do. medyo problematic sya because of health concerns sa parents nya and in fact she had to be in the hospital to watch over her folks. i guess nakatulong naman yung gtg kahit papaano para makalimutan nya yung problems nya. at least napasaya natin sya kahit saglit.

on lota
- she still looks the same, matangkad na slim. madaldal din pala si lota, dun ko din lang nalaman. at eto, mataray din pala etong kapatid natin. i guess she is not afraid to speak her mind. she's into tall, blue-eyed guys. i speculate this is because of her exposure to european culture (sana yung asawa ko pagbalik ay di maghanap ng tall and blue-eyed guy kasi bagsak ako sa tall at sa blue-eyed:). so philip (and the other singles out there), buy blue contacts and wear elevator shoes:)

on gladys
- gladys, gladys, gladys...well, i categorically denied that i had a crush on her when we were in highschool and i shamelessly said that right in front of her. ofcourse, i was just making her laugh, kasi we were discussing it openly later on. also, everybody knows thats not true and in fact, she even knows it. its an anecdote we can openly share. since past is past, napagusapan na din namin yung mga crush crush na yan pero i will not divulge anything else na napagusapan dun other than those involving myself. so i guess you have to be in the next one para malaman nyo. para din syang hindi tumanda, at yung frame nya ganun pa din. may nunal pa din sya:)

for those who were not able to attend, i have no ill feelings toward you guys. im disappointed, true, but not with you. like i always say, matatanda na tayo and madami na rin tayong responsibilities. ganyan talaga, shit happens. narra91 doesnt have to be first priority, or even 2nd or 3rd. live your life and make your decisions according to your rules. and guys, i find it crappy when we say that freakin cliche (kung ayaw may dahilan, kung gusto may paraan). life is not like that. lets not be jealous kung pinili nila na gawin yung ibang bagay. while "i love my wife and she is my best friend" sounds oh so cheezy, its also oh so true. sa totoo lang, narra91 is best positioned at the background, no more, no less. its a drop of spice, a jolt of energy---not something you live on everyday.

as for future GTGs, well here's hoping more of us will come. i find it hard to fathom seeing all 60 of us sharing the same table in the foreseeable future,but at least those who will come are guaranteed of having a grand time. di ko alam kung kelan uli mangyayari ang gtg pero sana more will happen, kahit once a year or twice a year or whatever.

so for narra91, i offer a toast. here's to 1991---a year when every girl graduated with curly hair (i still dont understand why kelangan magpakulot ang mga babae nung graduation)



sa uulitin,
reta


PS
salamat to jayson and jean for the text messages. yes, i got home safely.

more importantly, thanks to jude for his patience. pasensya na tol, ginawa kitang tsuper pero i really appreciate what you have done for me. salamat, salamat.

Tuesday, May 6, 2008

high school life / batch 91

*sinulat ito ni Gil, ninakaw ko sa friendster nya hehe

Hay naku kakamiss talaga high school life..more than 10 years na pala nakakalipas.

Pero kahit matagal na panahon na mga nagdaan di ko pa rin malilimutan ang mga pinagsamahan mga adventures and misadventures ng Batch 91.

Sino ba makakalimot sa rivalry ng III-Gold at III- Silver / IV-Narra at IV- Molave? Hindi paawat sa mga oral declamation, Florante At Laura, gaya gaya puto maya contests at kung ano ano pang contests. Buti na lang nananalo kami kahit papano, galing kasing umarte ni Lissete Tica kasama na ang mga Katipuneros sa background. At swerte din kami sa mga dancers namin sa Elvis and James presentation ng III-Gold. Nadala ng sleeveless blouse at may spraynet na buhok..

Naalala ko pa mga grupo at kabarkada kong BRat Boys, notorious sa panonood ng Triple x na betamax pagkatapos magpiknik at uminom ng fanta sa bahay nila Dennis. Nandyan din ang JR GEMS, barkadahan ng Cardona Girls at Binangonan Boys. At syempre ang RAGE compose of Roehl, Alejandro (anak ni mayor), Gil and Eric. With matching RAGE t-shirts at L.A. gear na sapatos pa yan ha habang naglalakad magkasabay sa Mateo Hall.

Namimiss ko din kumain sa Guevarras. Sampung piso pa lang ata ang ulam noon at di pa uso ang fasfood sa Morong, dahil ang pinakamalapit na Jollibee ay sa Edsa Crossing pa.

Wala pang Gloria Resign noon pero may Valdriz Resign naman. Di pa uso cellfone o pager non, kasi kahit PLDT phone bihira kang makakita maliban lang sa bahay nila Giselle Gonzales. Wala pang playstation non pero at least may atari sila Deo Aterado. Wala ding FX non pero may Blue Thunder naman, ang paboritong jeep ng mga estudyante. Wala pang Creepwalk non, pero may Roger Rabbit at Running man na tinuro pa sa kin si Oliver (alagang alaga namin si Puti..)bago mag concert ang NeoColors. Sikat na si Gary Valenciano noon, sikat pa rin hanggang ngayon.

Naalala ko din ang mga girls na pinangarap ko maging kabiyak ng aking buhay, kaso torpe talaga ako non..Crush ko talaga ang mala-anghel na kagandahan ng Vidanes sisters..(Angelica and Gemma, in alphabetical order yan) ..si Gladys Ignacio a.k.a. Goldie,na beauty and brains..at si Maricel Santos ang black beauty ng Teresa na naging ka close ko lang after graduation sa dahil sa isang overnight swimming namin.

Takot ako dati sa mga Officers kasi kailangan ko pang mag side step pag nakakasalubong ko sila. Minsan kahit officer-officeran nagsisidestep din ako. Takot din ako sa grupo nila Stalin, kasi ang lalaki ng kanilang katawan. Kung pwede ngang mag side step din ako sa kanila gagawin ko.

Haay sarap talagang maalala mga nakaraan. Nakakamiss. Lalo na ang mga taong nakasama at naging kaibigan mo. Miss ko na Class President ko, si Janet Alfonso huli kong nakita sa Mcdo Crossing way back 1995 pa ata. Miss ko din mga barkada ko, sila Peggy, Sir Dennis Inocencio, Edzel, and Francis Mangulabnan. Miss ko mga taga Cardona, si Matet, si Rica the crying Lady, si Estacio, si Glad na perslab ko...

Yung ibang kabatchmates ko nakikita ko rin, minsan sa Mrt, minsan sa megamall, minsan sa Karaoke, minsan sa bilihan ng pirated cd, kaso dyahe mag approach kasi nakapustura sila samantalang ako dami dalang gamit. Mga pasalubong sa Lola ko sa Binangonan. Minsan na rin kasi ako umuwi, wala na kasing byaheng bus na San Ildefonso Lines. Mura kasi don.

Musta na lang kila Julian Joseph, future Congressman 1st District of Rizal, sa aking ex si Lyn Santiago,hehehe. Next tym ingat sa paglalakad baka madapa ka. Sa Guy and Pip ng Batch 91 Lia Santiago and Ruel Balbuena, ang mga entreprenuers na Minnie and Eric, at sa mga kabatch ko na taga Baras, Cardona, Teresa, Tanay, Pililla, Morong at Binangonan, hinding hindi ko kayo nakakalimutan, lalong lalo na kung anong petsa ng Piyesta sa inyo!!!! Mag-imbita naman kayo! hehehehe