Showing posts with label edgar. Show all posts
Showing posts with label edgar. Show all posts

Saturday, August 23, 2008

the narra shirt


Image Hosted by ImageShack.us

Natatandaan mo 'to?

Ang t-shirt na ginamit natin nuong Seniors' Week. Contest pa nga ng pagandahan ng design pero sinawimpalad tayong matalo. Huwat! itong magandang design na ito? Natalo?

Di ko na matandaan kung kaninong concept at sinong nag-drawing ng design na ito pero natatandaan ko na kaya tayo natalo eh dahil back print ang t-shirt natin at malinaw na malinaw na nakasaad sa panuntunan na kailangan ay nasa harapan ang desenyo ng damit.

Eh shempre, portyir na tayo, mahahaba na ang mga sungay, matitigas na ang mga buto (at iniisip na ang pagpasok sa mga unibersidad sa Maynila), mas ginusto pa nating matalo basta back printed ang t-shirt natin na usong uso nuong mga panahong iyon (ngayon, yucky, back print, sooooo 90's). Pinag-usapan pa kung rubberized o embossed ang tatak (embossed shempre).

Pero we got the last laugh (nagtawa nga ba? ewan) nang ang design na ito ang ginawang cover ng batch 91 year book (more like year magazine) dahil shempre, we have the power to do so. Si Edge kasi ang editor-in-chief at sya din ang nagsulat ng mabulalas, mabulaklak at thought provoking explanation (written on the back cover of the year book ata) ng mga symbols na makikita sa design. Natatandaan ko pa na may sinabi siyang about "us" (yung taong walang skin na kita ang flesh) shaping our own destinies (un mukha na ini-spin nya). Yung parang bato dun eh supposed to be ay Stonehenge na nakapatong sa Egyptian hieroglyphics although hindi sila mukhang ganun. Basta yun na yun, kapag sinabi ni Edge na yun yun... errrr---

Naitago nyo pa ang t-shirt na ito? Hindi na? well, well, well...

Its auction time. Bidding starts at PhP 2,000.00

Any takers? Wala?

Tuesday, June 24, 2008

konting basketball at prom


Natatandaan ko pa ang seksing basketball shorts na ito ng Narra. Pati itong T-shirt. Ginamit natin ito nuong Senior’s Week sports fest. Subalit hindi ko matandaan kung nakapaglaro ba ako nun. Malamang ay hindi dahil bano akong maglaro ng basketball. Mahilig, oo; marunong, hindi. Sayang lang ang pagde-day dreaming ko na kasing galing ako ni Dondon Ampalayo ng Ginebra habang nanunuod si Romina.

Sa practice games ng Narra, nakalaro ako nun. Syempre, practice lang naman pero natatandaan ko nun, sinisigawan ako ni Roehl na takbo lang daw ako ng takbo at walang ginagawang iba. Eh coach, gusto ko lang naman magpapawis hehe…

Natatandaan ko pa, nakasama ako ni Trebet at Edge na maglaro sa court malapit sa Morong church, sa tabi ng palayan malapit sa gate ng RTPI. Nung uwian na, tumuwad kami sa gitna ng palayan… este— tumawid pala at naglaro ng pustahan kalaban ang ilang taga-RTPI din na nandun na. Nanalo kami nun gawa ko… o ha.. my misis, hanga ka ba? Madami akong na-score nun dahil lagi lang akong napapasahan nila Trebet sa may side at swertehang napapa-board ko naman, sabay takbong-ULTRA papunta sa kabilang court para magdepensa. Isa ata ito sa tatlong highlight games ng aking basketball career. Pag-uwi, naiwan ko pa ang polong uniform ko. Pakers.

Sa RTPI ako unang nakakita at nakalaro sa isang basketball court na hardwood at fiberglass ang board. Ako’y hanga. Dito din sa gym tayo nag Senior’s Prom. Hindi rin ako marunong magsayaw kaya nanunuod lang ako. Pero bago matapos ang gabi, isinayaw ko ng isang slow dance si Meg.

Di ko alam kung papano tatapusin ang isinusulat kong ito, kung ganito na lang kaya...

Stop.

Wednesday, May 28, 2008

maganda sa RTPI kasi...

“Nyahahaha wala kasi kayong religion na subject kaya di mo alam” sabi sa akin ng misis ko habang pinagtatawanan ako sa aking kamangmangan tungkol sa mga santo.

“Eh kahit naman may religion kayong subject, mga asal ewan ang mga istudyante sa inyo nyuk-nyuk-nyuk” bawi ko habang umiilag sa mga pinggan at kutsarang binabato nya.

“Tsaka may laya naman kaming pumili ng mga subjects na gusto naming pag-aralan” pahabol ko pagkatapos alisin ang tinidor na tumusok sa aking tenga.

Totoo naman, isa sa mga nagustuhan ko sa RTPI ay ang mga practical arts at elective classes na ikaw mismo ang pipili. Hindi ko alam kung ilang high school sa buong lalawigan ng Rizal ang nagbibigay ng ganitong kalayaan sa kanilang mag-aaral.

Mahilig ako sa mga drawing-drawing kaya natural na para sa akin ang piliin ang drafting class bilang aking practical arts. Dun ako natuto ng mga perspective drawings, magkulay gamit ang poster at water color, gumamit ng ruler na may angle, at dun ko din nalaman na mas maganda ang Staedtler tech pen kesa sa Rotring.

Syempre, pagandahan kami ng pagkukulay sa mga perspective drawings namin. Kapag maganda ang plate mo, masasabit pa ito sa pader. Natural, laging nandun ang kay Reta. Nakaswerte na din naman akong makita ang ginawa kong plate dun. Kung water color na nasa tube ang karaniwan naming gamit, kakaiba naman si Roehl. Water color na tablet ang ginagamit nya, mas madali daw kasi sa kanyang pagpantayin ang kulay. To each his own. Ang drafting class na ito ay naging architectural drafting nung port yir, under sa instructor naming kamukha ni Benjie Paras. Nakagawa pa kami ng blue print ng design ng bahay. Kaso, binigay ko kay Glenda Calixto yun blue print ko. Glenda, naitago mo pa ba?

Ang galing kasi, fourth year high, nakagawa na kami ng simpleng design. Pero nung nakita ko ang mga ginawang transistor radio ng mga Baras boys na kumuha ng Electronics, parang nainggit ako. Kami papel-papel lang, sa kanila, tumutunog. Ako’y hanga aba.

Ang pinagtataka ko, bakit wala atang kumuha sa amin ng Woodworking class? Mga goons daw kasi ang nasa woodworking, e mga lelembot-lembot ata karamihan sa amin. Nyeeeeeeeeee…

Pagdating sa mga elective subjects, magkakaiba din kaming magkaklase. Ang mga may utak, kumukuha ng Advance Mathematics, Statistics, Steno. Magagamit daw kasi iyon sa college. Duh! Sabi nga, I’ll “burn the bridge when I get there” hehe… Di kasi ako numerically-inclined, kaya dun ako sa walang numbers (ironically, nag-engineering ako nung college tas nag shift sa accounting. Go figure).

May kinuha akong elective class nun, yun tungkol sa current events (uhmmmm, ano nga ba yun?) Sabi kasi ni Edge, maganda daw kuhanin yun kasi magka-klase lang daw kapag may mga mahahalagang pangyayaring nagaganap. Huwaw! Sounds like my kind o’thing. And if it sounds too good to be true, malamang ay ganun na nga. Dahil nagkaklase pa rin naman, natural, kahit walang mga historical events na nagaganap. Okay lang, masaya naman. Kamukha pa ni Joey Ayala ang teacher namin.

Syempre, peborit ko ang Dev. Comm. Si Sir Sumikat Santiago ata ang coolest teacher sa RTPI. Parang colleague lang kung ituring kami, maliban na lang kapag nagagalit kasi namumula ang buong mukha pati ang mga mata. Lyn, peace tayo ha, wag mo ko sumbong hehe… Dahil din sa Dev Com, nakamit ko ang aking 15 minute of fame, which according to Andy Warhol, all of us will have in our lifetime. Shiet, nagamit ko na pala ang akin.




“Hoy, lumabas ka dyan! Di pa tayo tapos” sigaw sa akin ng misis ko habang pinipilit nyang buksan ang cabinet na aking pinagtataguan.

Sana pala, may self defense na subject kami sa RTPI.

Saturday, May 24, 2008

The Brotherhood of the Hog

*written by the Edge

1991. Tacloban, Leyte was the farthest place we’d ever been. But there we were, Filoy, Allan and I for the National Secondary Schools Press Conference. Astray, we were awestruck by its people and history. While the place seemed great, the food sucked. But one nasty lunch unexpectedly etched our memories there (and friendship too) in stone.

After getting our fill with silent fury (we actually heard our esophagus cursing), we callously mixed what was left of our food, water and soda in one bowl (partly out of frustration over the scarcity of a decent meal and partly because of our failure to make a dent on the bounty of pretty delegates before us). Without a sound, our little culinary affair rolled like a wordless script (like a Chaplin act). We stirred our potent brew to a boil like cloaked warlocks on a spell. Only our eyes spoke, our thoughts scattered.

Unmindful of the world and the crowd milling about, one after the other we took a swig of the silly concoction with eyes closed like neophyte wine connoisseurs. With one gulp the world suddenly made no sense. Chaos thumped reason. Dumb and foolish, the mushy blend somehow established a distinct fraternity. Funny, but a pact was sealed. And it wasn’t with blood nor tears.

Andres and his buddies forged their pact by drinking their own blood. Let’s give it to them for being bold and fearless. But we have a stronger stomach to forge ours by chugging hog chow.


(Postscript: Deo was also a delegate but wasn’t with us during that fateful meal. However this writer shall consider him a brother pending his day with the hog bowl.)

Friday, May 9, 2008

bagne's the name

Bagne! Bagne! Bagne!

One of the coolest nicknames I've ever heard. There can only be one “Bagne” so you know you’ll be unique if your name’s Bagne. I assume it will be pronounced as Bag’en when he’s somewhere in Europe.

Of course, we all know Bagne is Jonathan Flores but probably, what most of us doesn’t know is how he came to be called “Bagne”. Papano nga ba?

Another name that I won’t forget is Jose Lover Trinidad. Wouldn’t it be cool if you’re tagged as a “lover” ever since you’re a little toddler? Hell, a priest gave him permission to use that name when he was baptized. Uhmmm, teka. Nabinyagan ka na Lover, no?

“Reta” is a cool nickname. Alvin Retamar is a cool guy, especially when he’s working his magic with his pencil and watercolor. I assume Edgar changed his name to “Edge” to have a… ummmm— edge. Roehl is called “Ogie the pogi” because, well, he is pogi… or maybe because he looks like Ogie Alcasid?

If I’m a girl, I would love to have Milambini’s name. If I’m not mistaken, her brother’s name is Pat, short for Patnubay and their little sister’s name is Bathalani. Daddy Tiamson is one hell of an imaginative guy when it comes to his children’s names.

But the best of them all?

“Diablo”

That’s Mr. Dennis Javillo to you. If my memory serves me right, one of our teachers mispronounced Dennis’ surname as “Diablo”. We all had a good laugh back then and I guess the name stuck.

Bow down to Diablo you insolent, little creatures.