Saturday, August 23, 2008

the narra shirt


Image Hosted by ImageShack.us

Natatandaan mo 'to?

Ang t-shirt na ginamit natin nuong Seniors' Week. Contest pa nga ng pagandahan ng design pero sinawimpalad tayong matalo. Huwat! itong magandang design na ito? Natalo?

Di ko na matandaan kung kaninong concept at sinong nag-drawing ng design na ito pero natatandaan ko na kaya tayo natalo eh dahil back print ang t-shirt natin at malinaw na malinaw na nakasaad sa panuntunan na kailangan ay nasa harapan ang desenyo ng damit.

Eh shempre, portyir na tayo, mahahaba na ang mga sungay, matitigas na ang mga buto (at iniisip na ang pagpasok sa mga unibersidad sa Maynila), mas ginusto pa nating matalo basta back printed ang t-shirt natin na usong uso nuong mga panahong iyon (ngayon, yucky, back print, sooooo 90's). Pinag-usapan pa kung rubberized o embossed ang tatak (embossed shempre).

Pero we got the last laugh (nagtawa nga ba? ewan) nang ang design na ito ang ginawang cover ng batch 91 year book (more like year magazine) dahil shempre, we have the power to do so. Si Edge kasi ang editor-in-chief at sya din ang nagsulat ng mabulalas, mabulaklak at thought provoking explanation (written on the back cover of the year book ata) ng mga symbols na makikita sa design. Natatandaan ko pa na may sinabi siyang about "us" (yung taong walang skin na kita ang flesh) shaping our own destinies (un mukha na ini-spin nya). Yung parang bato dun eh supposed to be ay Stonehenge na nakapatong sa Egyptian hieroglyphics although hindi sila mukhang ganun. Basta yun na yun, kapag sinabi ni Edge na yun yun... errrr---

Naitago nyo pa ang t-shirt na ito? Hindi na? well, well, well...

Its auction time. Bidding starts at PhP 2,000.00

Any takers? Wala?

8 comments:

Anonymous said...

si reta nag design. i don't remember the explanation anymore, at matagal ng ginawang basahan ang shirt ko na yan...

lagi ko kasi suot nung college eh.

magistrate said...

Nope, hindi si reta ang nagdesign niyan. Yung utol ni matet.

magistrate said...

wala na rin akong natira kahit isang memorabilla ng narra. :(.

Ang taas naman ng starting bid! hehe

Tsaka ano naman kaya ang pwede kong gawin diyan kung sakali? mag-collect ng narra 91 artifacts at mag-put-up ng Narra 91 museum? :)

taga rtpi said...

ipe, proud to be narra ba talaga nung college? hehe

magistrate, i think yun kapatid nga ata ni Matet kasisiya ang nag-print ng shirt? tama?

anong gagawin sa t-shirt? isa-sign ko para mas tumaas ang value hehe

Anonymous said...

hinanap ko yan shirt kong yan last weekend sa Teresa, and buhay pa sya...ang ganda

Anonymous said...

gusto namin tong blog mo ha. maganda i'm sure proud si dev comm teacher natin ngayon sa mga entries mo...

Unknown said...

yun saken naabo na....kaya para sa ating masipag na blogger...if you still have some old pix na pwede mo i-post, would appreciate it very much.

taga rtpi said...

jing, yun shirt ko muna i-auction ha, then yun sayo naman errr---

anonymous, sino ka po? salamat sa bola :D

mags, may blog ka? anong link?