Sunday, May 4, 2008

maalala ko kaya?

*this was posted in a blog i used to keep a few years ago

Sino bang tao ang hindi gustong makipag-sex?

May napanood akong dokyu nung isang araw. Sabi dun, ang mga experiences daw natin na may malaking epekto sa buhay natin ay parang isang malambot na gelatin sa loob ng ating utak na habang tumatagal ay titigas ito at mananatili sa ating memorya (related reading HERE). Ito raw ang eksplanasyon kung bakit may mga karanasan at pangyayari sa ating buhay na di natin makalimutan. Ang mga di mahahalagang bagay gaya ng anibersaryo, kapanganakan, bilin at sariling kasalanan ay madali nating nakakalimutan, ayon yun sa akin.

First year highschool, second floor ang classroom namin, malapit ako sa bintana na tanaw ang kwarto ng mga elementary students. Nasa mga unang linggo ng klase nun. Di ko na matandaan ang topic at kung anong subject nun pero ang natatandaan ko, nagtaas ng kamay ang kaklase kong si Julian Joseph na napag-alaman kong valedictorian nung grade 6 nila dito sa paaralang ito. Sumagot siya sa isang katanungan ng titser namin na di ko na matandaan. Basta ang sabi niya, kapag daw magsha-shampoo ng ulo, wag daw gagamitin ang kuko sa pagkuskos ng bunbunan dahil masusugutan daw ang balat. Dapat daw ay ang dulo ng mga daliri ang gagamitin.

Hindi si Ricky Reyes ang titser namin nun at hindi hair dressing ang klase. Wag nyo ng itanong kung ano dahil di ko na nga matandaan, ang kulit nyo ha. Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit di ko makalimutan ang sinabing iyon ni Julian Joseph. Hindi naman yun mahalaga sa akin. Sa katanuyan ay di ko nga sinusunod ang ganung pamamaraan ng pagsha-shampoo. Di ko ba yun makalimutan dahil balang araw eh magagamit ko yun sa isang life or death situation? O baka naman may mahalagang wisdom sa sinabing iyon ni Julian Joseph na di ko na at di pa mapagtanto?

Nuong nag writing workshop naman kami nung highschool, isang sikat na writer ng isang broadsheet newspaper ang guest speaker namin. Sa sobrang kasikatan niya, nakalimutan ko na ang pangalan. Eniwey, sinabi nya na sa pagsusulat daw ng isang feature article, dapat ay makuha mo na agad ang atensyon ng mambabasa sa unang paragraph pa lamang. At kailangang mong tapusin ang isinulat mo sa isang magandang pamamaraan.

Katulad ng sinabi ni Julian Joseph nuon, ang sinabing ito ng guest speaker ay di ko magawang sundin.


* UPDATE
Jude said JJ's shampoo scene was in Mrs. Gonazalvo's PE/Health class

1 comment:

Anonymous said...

sabi ni jude, sa klase daw ni Mrs. Gonzalvo ang shampoo scene na ito, PE & Health ang subject. Di kasi siya makaopen ng blog kaya ako na magco-comment dito in his behalf :P