Saturday, June 7, 2008

kras

Subalit hindi naman nagpakilala. Crush nya daw si Monalisa. Malamang si Monalisa Dionisio na taga Cardona ang kanyang tinutukoy, our one time kaklase. Eh sino nga bang hindi may crush kay Mona? Malamang karamihan sa atin, during the time of our adolescence when we first learned to notice the opposite sex, about love, puppy love, about the birds and the bees.

Si Monalisa ang isa sa mga una kong napansin na gurlllll. Maganda sya, mahaba ang buhok, maputi. Instant crush ko sya nun. Subalit matatapos na ang school year, di ko man lang sya nakakausap kahit saglit. Isang araw, walang teacher, magulo sa room. Nakaupo ako sa bandang hulihan ng klase, nakatingin sa buhok ni Mona na nakaupo nun ilang silya ang layo sa akin sa harapan. Maingay sa room subalit halos hindi ko mapansin ang paligid dahil nakatingin lang ako nun sa kanya.

Parang slow mo, tumingin sya sa likuran. Nakatingin sya sa may direksyon ko, bumuka ang kanyang magandang mga labi.

“Jayson! Jayson!” tawag ni Mona.

Nakatingin ako sa kanya habang pinapakinggan ang pagtawag nya sa pangalan ni Jayson. Nagtataka naman ako kung bakit di sumasagot si Jayson, ganung kanina pa siya tinatawag. Kung ako ang tinatawag ni Monalisa, naiisip ko nung mga sandaling iyon, panigurado ay nasa tabi nya agad ako upang tanungin kung anong kailangan nya.

“Huy, Jayson!”

Ang ganda talaga niya. Nakatingin ako nun sa kanyang mukha, sa kanyang labi, sa kanyang mga mata…

…na nakatingin din sa akin!

“Jayson!!!”

“Uhhh… a-ako ba?” alanganin kong tanong.

“Oo, di mo ba ko naririnig?”

“H-hindi ako si Jayson…”

Toingks!

Shieeettt! Di pa pala nya ako kilala.

Epilogue : Yun ata ang una at huling pagkakataon kong nakausap si Monalisa. Di nagtagal, nag-migrate sila ng US (I think). Nagpunta pa nga tayo nun sa bahay nila bago sila umalis. Ilang taon din nuon ang lumipas na lagi akong napapatingin sa dati nilang bahay kapag napapadaan ako ng Cardona.

Asan na kaya siya ngayon? Ano na kayang nangyari sa kanya?

Rico, pasok.

2 comments:

Anonymous said...

Kaklase yata natin si Monalisa since II-Rizal. In the same year din yata tayo nagpunta sa bahay nila. Nagduet sila ni Jimmy Francisco nung kanta ni Gino Padilla na "Let the love begin." Pero kay Eric Andrade siya tumitingin habang kinakanta niya yun. Gusto ko sanang ako ang maka-duet niya pero boses palaka ako e. hehe. Funny thing too, was parehong part ng girl yung kinakanta nila ni Jimmy.
... Ako rin palaging napapalingon kapag napapadaan ako roon sa may bahay nila dati. hehe

taga rtpi said...

di ko na nga binganggit yun tungkol kay eric kasi alam ko mapapangiti lang yun kapag nabasa nya about that incident hehe

yep, pagkakatanda ko din, hanggang second year natin sya kapiling este---

sino pang lumilingon sa bahay nila Mona, umamin na haha